Jun 22, 2009

Surprise?

June 18,2009
My bday!!!


Typical day lang para sken, kahit na it’s my bday! Hindi pa naman ngayon ung celebration eh. Hehe.. natuwa naman ako dun sa mga nag-effort na nghintay tlga ng 12mn para lang batiin ako khit tulog na ko. ^_^

Ginising ako ng mga greetings nina mama, papa at iba pang members of our family.


Wake up call

Pero hindi ayon ang nagpabangon sa akin sa hingaan kundi ang tawag ni Tesa. Ginagalaw ni mama ang cel ko ng may mapindot siya at may marinig na nagsasalita.

“ai! May napidot yata ako, may nagsasalita eh”


To my shock, tumatawag nga si tesa kahit di pa ko nakamumog hahaha.. (eww ba?haha) dumiretcho agad ako sa may banyo at nagmumog, hilamos, etc. She was very excited na igreet ako pati malaman kung bakit ko siya pinapatawag. Wala lng naman.. iniinvite ko lang sila sa sabado. Alam ko kasi na halos lahat sa amin ay may pasok at gusto talaga nila ng celebration kaya medyo nagrequest ako. ^_^


Breakfast

Nag-almusal ng noodles na may kasabay na hot pandesal.. hmm.. sarap ^_^ Tapos maya maya tumawag si mikee pati na rin si Alyssa. Hehe. Ganun din ung sinabi ko haha. Nakulitan lang sila sken at pinatawag ko pa sila. Anyway, it is a request from the bday celebrant.. (hahaha. Pasaway :p) After that, nagprepare na ko pumasok…


Sakayan

Maaga akong pumasok dahil nag-aasam ako ng perfect attendance! Haha himala! Nakasabay ko si Mary Anne since isa lang ung route namen. Si Alyssa sin sna kaya lang medyo malelate ako kung sa way niya ako sasabay. Magkikita rin naman kami mamaya kse nagpapabili siya ng sapatos.


School

Ayun palpak! Sobrang aga ko naman. 30 minutes before the time andun na ko. Tapos late pa ung prof, kamusta naman un?! ;p Makakatulog na sana ako eh kung hindi lang ako nahihiya sa damit kong medyo formal ahah. Ayun, nagstart na ang class. Madalas nakatulala ang classmates ko dahil halos walang maisagot. Ako naman si bulong. Pag narinig lang ng prof valid ung sagot ko haha. (nakakahiya sumagot mamaya mali naman pala sagot ko eh. Edi wala na?haha)


Sa Fil40 naman, ala na naman ung prof namen (for the second time). Ayun may note sa black board na kunin daw naming ung syllabus sa FC. Nakisabay na lang ako dun sa isang kuya na papunta rin dun. (infairness may itsura haha! Ai kinilig? May gnun? ahaha) then pagkakuha ng syllabus lumabas na ko ng campus para maglunch.


Comm3. Expected na wala ung prof kaya lang may gagawin kaming group project. Ayun medyo nakaktamad magplano kse hindi naman masyado seryoso sa paggawa. :P May nagawa naman kami but the planning has not yet decided. Then, uwian na! 2pm ako nakalabas at sakto ko ng mapupuntahan si lyssa sa UE.


On my way

Ayun katxt ko si lyssa nung nasa LRT na ko. Wala naman masyadong tao kaya nakahanap ako ng mapupwestuhan. Nagdaday dreaming sa loob ng tren dahil walang makausap. Katxt si lyssa lung palabas na siya.


Nakarating na ko ng lrt station. At after mga 15 mins siguro nagkita na kami finally after malobat ang cp ko. (haha, lagi na lang) Then bumalik kami sa recto para maghanap ng libro sa geog for resources pero wala.( Hmmm.. bakit wala? Baka wala msyadong nag-aaral ng geog haha)


Dahil malayo-layo na ung narating namen, sa legarda station na lang kami sumakay. Naglakad lakad wid my tour guide na si lyssa. Kung san sila dumadaan, mga school sa malapit, at kung anu-anu pa. Nakakaenjoy naman maglakad eh, basta may kasama. Maya maya, nakarating na kami sa legarda. Bumili muna si Lyssa ng refreshment dahil napagod daw siya kakalakad.(ows? O dahil may binabalak ka? Haha) Ayun ako naman, nag-oobserve lang. Napansin ko na ang legarda ay station ng mga mayayamang studyante sa u-belt. Ahaha. Ayun, first time ko makarating sa station na un. At wala lang. gnun parin, lrt station pa rin katulad ng iba haha.


Cubao.

Nakarating kami ng cubao ng mga 4pm? Dumiretcho na kami sa SM, kung san talaga balak pumunta ni lyssa. Tapos bigla siyang nagutom at naghanap ng food court. Ayun kumain kami ng zagu pati gyoza. Sobrang lamig dun sa baba dahil bago ung aircon nila, to the point na nagfefreeze na yta c lyssa haha….

Umakyat na kami para tumingin tingin ng sapatos. Bigla naman ngyaya itong kasama ko sa bilihan ng damit. Nagpipili kami samantalang xa ay laging hawak ung cel. Ewan ko parang ako ung namimili hindi siya. After nun, niyaya ko na siya sa shoes section. Akala ko talagang pagod na siya at gusto nya muna vbagalan ang lakad. Ako naman, interested din bumili ng sapatos kaya pumipili ako ng doll shoes. Pero dahil wala akong type, ndi na ko nagbalak.


‘Alyssa, bumili ka na ng sapatos mo. Di ba bibili ka?’ tanong ko.


‘ai kulang pala ung pera ko.’ Sabi nya.


Galing magpalusot. Hindi naman ako nagtaka at walang idea sa nangyayari. Madalas lang tlagang ganyan si

Alyssa, pabago- bago ang isip.


Edi nagyayaya naman siya sa next na pupuntahan. Goldilocks daw, kung ndi naman sa mcdo. Sa isip ko, ‘bakit dun pa? daming kainan sa malapit at kakakain lang namin’. Anyway,edi mabait naman ako, pumunta na kami doon.


Pagod daw. Para kaming nagpuprusisyon palabas ng mall. Ang bagal naming maglakad. Natatawa na lang ako sa knya kase sobrang bagal naming as in. tinutugtugan ko na nga lang siya ng graduation march eh. Ahaha. Anyway, akala ko naman gusto nya lang makiupo habang kumakain sa mcdo. Ayun bumalik kami sa gateway at nagpunta sa mcdo.


On our way, gusto o tlga bumili ng red ribbon na cake, pasalubong ko sa bahay. Bday ko naman eh tska nsasarapan tlga ako dun. Sa tapat nung mismong store, nagdecide akong tumigil saglit, si lyssa naman. Hindi ko alam kung bakit ayaw ako pabilihin ng cake.


‘wag ka na bumili ng cake. Meron naman dun sa gateway’ sabi nya.


Nagtataka naman ako kase, ang alam ko, ndi nya kabisado ang gateway. At sati na ko nghanap ng red ribbon sa gateway pero wala.


‘walang red ribbon dun! Dito na lang ako bibili’


‘wag na, pagod na ko, gusto ko na umupo’


‘ayun sa loob hahanapan kita ng upuan’ sabe ko naman.


‘eh basta! Wag ka na bumili.’


‘bakit nga?’


‘basta. Tara na dali’


nakikipaghatakan na siya sken that time. Hindi ko alam kung galit o anu. Gusto ko na lang matawa kase anu bang mali sa pagbili ng cake? Haha.. bahala siya. basta ako gusto ko bumili ng cake. Haha


‘bahala ka dyan, hintayin mo na lang ako sa labas kung gusto mo’ haha (wid ngiting aso haha)


Dahil no choice siya, sumunod na lang siya sken sa loob at patuloy akong cinoconvince na wag na bumili.

Ako naman, pumipili pa rin at nakabili na.


After bumili, nagpunta na kami sa mcdo.


MCDO

Nang nakarating na kami sa mcdo, walang maupuan. Naghahanap ng pinakatagong lugar. (wala akong idea kung anuman un. Ako naman basta sumusunod lang sa puntahan nya.) nang walang mahanap na upuan, sa harap n lang kami ng counter (malapit). Maraming nangangailangan ng seats kaya maya’t maya ako ngsasabing umorder na siya. ‘ mamaya na hintayin lang natin si mikee’ un ang sabi nya. Sa isip ko naman, ahh okay. (Nakatingin sa foods para kunyari namimili na)


After 2 mins. Ayaw pa rin nya umorder.

'teka lang sandal lang hintayin lang naten si mikee,’ natatarantang sagot nya. Ako naman relaxed na relaxed na

nakaupo, sabi ko sa kanya,


‘umorder ka muna tsaka mo na itext si mikee’.


That point, may choice ako. It’s either oorder na ko or tatayo na ko at ibibigay ung seats sa ibang kakain. Nangalumbaba na lang ako. Nakatulala. After that, may nakita akong reflection galing sa likod ko. Hindi naman malinaw pero may shining thing…


Sa isip ko, “anu un?” I glanced slowly sabay takip ng mukha ko wid my long hair. Hahaha


OMG! Si mikee, si anjo, tesa at jonah! Weeee… sinurprise ako :P


They’re super sweet!!!!


Si mikee may hawak na birthday cake. (Take note: nakaopen ung box sabay may number 18 na kandila tpos sinindihan pa nila. )


Si jonah naman at tesa. May hawak silang hand made banner ‘happy birthday charry’ (un ba nakalagay dun?)

basta greetings nila un. Hindi sila nahihiyang magdala ng ganun kahit sa public place at maraming nakatingin sa kanila..


Si anjo naman, nakangiti at may hawak na celfon. May ring tone na hapi birthday song.


Weeeeeeee…. Ndi ko alam gagawin. Nahihiya ako, na natotouched na, gustong maiyak hahaa. Mixed emotions eh. Haha >.<


I didn’t expect na esusurprise nila ako. To think na lahat sila may pasok. To think na walang nagsasabe sakin (kaya nga surprise diba?), to think na hiwa-hiwalay ang schools nila, to think na basta ang hirap isipin na possible un.


Ndi man halata sa mukha ko, surprised ako >.< ( ndi lang tlga ako ganun kaexpressive eh).

After that, finorce ko silang bumili ng fuds kahit konti dahil nakakahiya. Ung mga crew ay nakatingin sa kanila dahil may hawak silang candle lighted cake wid banner pa. Bumili naman sila ng mcfloat khit papaano.


After nun, nagrequest silang manlibre.


Sa isip ko, ‘OMG! Ambush na panlilibre?! What if wala akong dalang pera huh?! Hahaha’.


AMBUSH TREAT

Ndi ko naman un pde sabihin sa kanila kaya pumayag na ako haha. Anway, I’m always ready.. Pinapapili ko sila kung san nila gusto kumain. Lumabas kami ng mcdo at nagpunta sila sa food court. Nagtaka ako sa kanila. Sobrang bait at dun pumunta ayaw manamantala na manlilibre ako.


‘kumakain ba kayo ng pizza? Pizza hut na lang tayo’ recommend ko.


Ibubudget ko na lang pera ko. Gusto ko naman maging special din sila kahit sa simple ways. Fine dining resto. ^_^


Ayun. Medyo sosyal naks. Ahah.. minsan lang naman eh. Pinapili ko na sila kase ndi naman tlga ako kumakain ng pizza eh. Nagkakahiyaan pa sila nung una eh. Gusto nung family pero kunyari ayaw. Nagngingitian pa sila. Hahaha! (ang cute nila)


Ayun pinabayaan ko sila pumili. At nakaorder na. Habang naghihintay, nagkukwentuhan kame. Kung anu-anu rin. :P pinaguusapan nila kung panu titirahin ung cake na binili ko. Actually, nadoble ung cake at halatang isa sa amin ung may bday.haha.


Nung dumating na ung inorder nila. Sila lang ang kumakain. ndi dahil namamahalan ako sa inorder, kundi dahil ndi talaga ako mahilig sa pizza eh. Nauumay lang ako. Ayun kwentuhan to the max. at may napagtripan lang kmeng kuya na nakaupo malapit sa amin. Hahaha


Maputi siya tska may hitsura haha… ayos lang naman. Tpos pasimple kaming kumukuha ng pic nya together wid tesa. Kuyari si tesa ung kukuhanan naming pero kasama tlaga siya.. hahaha.


Medyo kinikilig pa ang mga lola mo… haha.. nang matapos na kumain ayun na naman picturan.

Photographer yta si kua eh. May hawak n camerang pang photographer. Since ako ung medyo nsa harap nya, nagbiro ako,


‘ako ung pinipicturan nung type nyo oh’ hahaha.


Nagtatawanan lang kame.


At sa bandang huli sabi nila.


‘hindi naman pala gwapo eh’ sabi ni tesa.


‘oo nga eh, gutom lang siguro tayo kanina hahaha’ sabi ni anjo. Hay ewan nagtatawanan kami dun na parang mga sira.


Sabi ko maya maya ‘ ewwww…’ may nakita kasi akong ginawa ni kuya. Nakita ko siyang kinuha ung yelo sa iced tea nya tpos sabay sinubo then binalik…


Ewww tlga.. totally turned off kame.. hahaha… (ang bad ko ba? Haha) ndi naman kami gaano ngpapahalata. Samin samin lng ung mga ganung comments.


Nagtxt na si mama. Nakiinsert ako ng sim.


‘hapi bday san k n?’ hahah natawa ako bigla kase parang may sakit si mama. Binate ako sa text tapos sabay tanong kung asan na ko. Haha kulit XD. Nagpaalam ako tpos sabay sbe na uuwi na


NATL. BUKSTORE

May pinapabili ung ate kong buk at ako rin may kelangan bilhin. Habang papunta kmi dun, medyo weird tingin ng tao samin kase may dala kaming dalawang cake. Pinaiwan naming sa guard tapos namili ng gamit. Ayun nakabili ako ng reviewer para sa ate ko at nagdecide na kaming umuwi.


TERMINAL

Since naunang pumila sina anjo, pinareserve na nila kami. Nag\ng nakita kami ng dispatcher na naniningil, nakita nya kaming may dalang 2 cake.


‘sinung may bday?’


Ngumiti ako sabay sabe, ‘ako po’ haha.. pademure effect pa mya mya nagrequest.


‘kuya dapat libre na ko. Hahaha’ biro lang naman un. Tapos pagbalik sabe


‘ oh kayong lima. Dun kayo special’


Panung special? Pag dating sa fx,


‘oh sinong may bday?’


‘ako po’


‘dito sa gitna dalawa lang kayo’ na dapat pang apatan talaga.


‘wow. Special’ hehe.. natuwa naman ako ginawa pang libre ung iba seats. Iba pala pag bday.. ^_^ kait medyo mahaba ung pila ginawa nina kuya un. Awww… touched naman ako… >.<


WAY HOME

Aun kwentuhan ulit. Pati si kua driver nakikibati ng hapi birthday. Isang way dinaanan namin. It was a good day. My very special day. Ndi ko pa kasi nafeel na ganun ako ka important sa ibang tao. ^_^ Gusto ko kasi ibigay ung best para sa ibang tao kahit wala na skin. I’ve realized na I am very lucky na nagkaroon ako ng frends na tulad nila.

We were friends since 1st year high school. Un nga lang nanghihinayang din kame kase wala si wanesh. Nasa Canada siya for their own good. Hanggang ngayon, we stay connected pa rin. At madalas nga siya nag-eemo samin eh. Kailangan naman naming maging hapi din for her. Kahit na malayo siya at di naming makakasama, alam namin na para sa kanya ung pag-alis nyang iyon.

Friendship doesn’t end there. It doesn’t mean na kapag umalis ang isa wala na. I really want to treasure these friends hanggat kaya ko. Minsan nga eh, nagtatampo na rin sila sakin kase busy daw ako. Super. Which is true naman. Kaya nga hindi ako makatanggi sa mga request nila minsan.

^_^



SA BAHAY

When I entered our house, naggreet agad sila sakin hehe. Nagpatulong pa ko sa kanila mg bukas ng gate kase sa 2 cake na dala ko. Binigay ko sa kanila ung red ribbon. Pero ung cake na binigay nila, prineserve ko hanggang Saturday. Kailangang umabot un dat day! Bawal kainin!


Naubos agad ung cake na binili ko kaya hindi na umabot ng kinabukasan. Ayon konti lang natikman ko. Huhu..

As I look back lahat ng nangyari this day, natouched ako at super thankful sa lahat ng nangyari. Ang daming nag-greet sakin. Mula sa family, relatives, classmates, friends, kakilala, kahit yung mga kafam ko sa audi.

Masarap ma-feel na naaalala ka ng ibang tao.

^_^


Sarap ng tulog ko……


No comments:

Post a Comment