June 25, '09
planning...
Whew! tomorrow is the day! first performance namin sa theatre 12 bukas-isang movement piece. Sabi ng prof namin, maghanap daw kmi ng music na instrumental then lagyan namin ng movements showing a cycle, whether a living or non living thing.
Actually, it has been one week since huli siyang binigay sa amin. hahaha.. and dahil gumagawa lang ako under time pressure, natural na gawin ko un the day before. ^_^
Kahapon umuwi ako ng maaga para maghanap ng music. May mga nakita na akong sample nung gagawin namin kya un na lang susundin ko. Medyo nagiisip isip din ako sa tugtog na gagamitin ko. ^_^ salawahan. Nagtanong tanong ako. At buti may tumulong sken mag decide. (kung sino ka man thank you ^_^).
Panay chat lang ang pinaggagagawa ko nung hapon na un. Nanuod pa nga ako nung parang horror chorva sa channel 5. Ayun ang pinaggagagawa ko kasi hinihintay ko silang makatulog. hindi ako sanay na may nanunuod skeng magpractice. ^_^ Mga 9pm na ko naupo -upo sa may terrace. nag-iicip ng steps na gagawin.
'bahala na lahat naman kami wlang ganung alam pagdating sa pag-arte. bahala na.'
1. isip muna kung anu-ano ung mga parts. anu ba meron sa water cycle? parts? ung mga possible na pwedeng gawan ng actions?
2. Isip ng steps. This past few days, pag-ala masyado ginagawa o nasa byahe, imbis na matulog nag-iisip na lang ako ng pedeng isingit na pampachorva sa performance haha.
3. Sariling clue at code sa steps na gagamitin. nakakatawa man ung terms na ginamit ko para matandaan ung mga moves, helpful pa rin xa.
4. Isabay sa beat. Habang iniisip ko ung moves, sinasabay ko sa beat kung paano magtutugma lahat ng ilalagay ko dun.
5. Pagbibilang per seconds. nag-estimate pa ko ng number of seconds para lang maisakto ung music. ang hirap nya tyempuhan kasi naman alang chorus o sign ng pagtaas ng notes. whew. at least gagawan ko na lang ng paraan sa performance tomorrow!
6. practice. astig sa terrace pa ko ngpractice. gabi na kasi tsaka para secluded ung area. ayun. para akong sirang nagpapractice. sana ndi ako napagkamalang sira ng mga kapit bahay! haha
7. konting practice pa. Ndi ko masyado minemorize since ako naman ung gumawa at may mga palatan daan naman ako. Ayun. end na for today.
tulugan time! ^_^ pacool down muna. masyado pang hyper katawan ko para matulog.uminom na ako ng vitamins para tablan na rin ng antok ^_^
good luck tom! Ang iniisip ko na lang is ung props na gagamitin at ung costume. water? hmmm...
June 26, '09
the day has come...
whoah. eto na! ndi naman ako kinakabahan at ndi rin ako naeexcite. parang wala lang. Nag-isip na lang ako ng simpleng costume. leotard wid white na palda. ung pantaas naman black na damit na lang. water signifies simplicity. pede na un. di ko kelangan ng bongga. aanhin mo ung bonggang costume kung ndi naman ganun kaganda ung performance. basta i'll give my best shot dito. ^_^
Geog 105
Astig! unang class namin ang ganda ng balita. ung taong nakaupo sa may harapan ko, which is one meter away naman ay may h1n1 haha. ndi naman siya pumasok kaya safe. ung katabi ko naman sa bandang right, nilagnat kahapon pero okay naman daw siya. Lagnat lang naman un eh ^_^. nagtatakutan sila at dinaan na lang sa joke.
'oh ung katabi nya sa kaliwa at kanan, kung may nararamdaman kau, excused na kau sa klase.' sabe ng prof namin na tumatawa pa.
'sir, ako nasa likod lang oh, excused na rin ako' hirit ko sabay tatayo dapat.
wala lang joke time ko lang haha.
After nun, may mga acticities kami. Mga 9 45 dismissed na kami agad. ~_~
umuwi na ako agad. wala naman ako kadaldalan eh haha.
dumiretso ako sa tindahan. sumabay sa kanilang kumain. maya maya dumating na sina mama kasi namili sila. tinanong nya kung matutulog ako.
'ndi na. magpapractice ako para mamaya' haha totoo kaya un? partly siguro....
ayun umuwi ako. nagbukas ng computer. sakto online si kua bolt kaya wala akong ginawa sa vacant time ko kundi maglaro kami hahaha...
nagkukulitan lng kme tska ng-aasaran. =p mga 10 mins bago ako umalis, pinakinggan ko lang ung piece, inaalala ung steps tapos alis na. ganun ako magpractice haha.
Ayun papunta na ulit ako sa tindahan. Napaparanoid ako. ung unang nakamotor nakatingin sa kin. adik siya baka mabunggo siya. nakasunod ung tingin. sa isip ko naman baka may kung ano ako sa likod. may nakadikit. baka butas pants ko or what.
Kakalampas pa lang nila. tpos may mag-asawa yta un na nakasakay sa motor. ganun din. nakatingin pa silang sabay skin tpos parang may binubulong. hala? bawat salamin na madaanan ko tinitingan ko kung anu mali sa akin. may dumi ba o ano. anu bang mali? haha...
Parang tumigil pa nga yta sila saglit tpos tiningnan ulit ako tpos umalis na. ang weird? wala lang.
Pagdating ko naman sa tindahan, tinanong ko si tita.
'may dumi ba ko sa likod? butas ba pants ko? anu ba???'
'wla naman ah' sabi nya ilang beses akong tiningnan.
nakapants lang naman ako tapos blouse na medyo mahaba. ndi naman masyado fit kaya anung dapat tingnan?
'ewan. anu bang tinitingnan ng mga un?'
'alis na ko' ^_^
dumaan muna ako kina mama sabay umalis na.
JEEP
whew. parang medyo late na ako. ineestimate ko wat time ako makakarating. anyway, mas magandang late kesa maghintay haha... Kawawa naman ung buhok ko nililipad na naman ng maruming hangin.. whew...
CLASS
hays, eto na naman. class. naghihintay ako sa labas ng rum. maraming tao sa labas kaya akala ko sarado pa ung rum. naghihintay ako. tumitingin kung may classmates n akong dumating. parang wla? pero almost 2 30 na ah. aun pala opened na ung rum at hindi ko lang tiningnan ung rum number kaya gnun haha.. nasa loob na silang lahat.
May seat medyo malapit sa pinto. dito na lang ako. mahilig magtawag ung nangookray namin prof eh. haha. aun lang nakakadistract. may hitsura ung katabi ko. nyahahah...
badtrip yan. pero ala lang naman. (dalaga na ah? haha nttwa ako). ayun nakikinig na ko sa prof ko sa paulit ulit nyang jokes.
nasabi nya na un last time eh. tawa na lang. haha.
.
.
.
class...
.
.
.
10 minutes after d time. nagwiwish na ko akong palabasin na kami. omg naman ndi ako nkpagpractice kanina.
'okay lang yan ndi ko kakaririn to!'
basta may grade ayos na skin.
at last pinalabas na kmi. nagmamadali akong lumabas ng rum at lumipat ng kabilang building. ndi naman masyado malayo eh. at ayun naabutan ko ung mga classmates ko for the first time na naghihintay sa labas.
whoah? ndi sila mga prepared? waaaaaaaaaa....
sa ayos nilang un? omg may mga props pa silang bongga samantalang ako nakadamit lang ng simple tpos may aluminum foil na color blue sa fingers cut into strips. whew.
baka pagalitan ako nito anu ba yan. huhu...
halos 4 sa kanila, life cycle ng butterfly at parang ako lang yta ung non living thing na mag-aact.hays bahala na. ndi naman ako kinakabahan. ^_^ dinadaan ko sa smile at tawa. haha.
PROPS
busy sila magaus ng props ako naman nakatingin sa kanila. wala naman akong aayusin na props eh. alam ko kasi symbolic ung piece kaya ala akong ginawang props. anyway, anung props ang magagawa sa water?? ha? okay.
PERFORMANCE
may naunang nagpresent. ang cute! ung life stages ng duck. hehe. ang cute din ng costume nya kaya lang napagkamalan kong angel. ahha.. sorry.. XD ang saya nung tugtog nya. ang cute din ng steps.
Next naman is ung cycle na ginagawa nung isang tao everyday. Ayos ung rhythm nung kanta. sakto sa ginagawa nya. vice versa.
Tpos mga butterflies naman ung ngpresent. medyo marami sila. si jacks, siya yta ung una at may pinakabonggang costume. dun na lang daw siya babawi eh. pero okay lng naman ung performance. ung isa naman, parang hanapbuhay na umarte. ang galing ih. kaya lng parang di lang akma ung song dahil linkin park na instrumental tpos butterfly. wala lng, just my own opinion. ^_^
'oh ung next,ung may hawak na pompoms'
sa isip ko 'omg ka?! mukha ba tong pompoms?' ewan kung maiinis ako o tatawa sa prof na un.
medyo nagkaproblema sa next performer kaya ako agad.
sa harap, ala akong dala. ung strips ng alum foil, my ginawang earrings si jacks tpos may nilagay pa sa ulo ko. ndi ko alam hitsura ko nung kung cute pa rin ako. nyahaha joke :P sa start. may hiya effect. tinakpan ko ung mukha ko kunyari nahihiya. pero pampaalis kaba lng un.
nung marinig ko na yung sounds. nagbibilang na ko sa isip ko. ayoko ng distractions. ala ako pakialam sa mga nanunuod. bahala kau dyan haha. parang feel na feel ko eh. nakapikit pa wid emotions haha... (natatawa ako) pero serious mode ako nun. basta matapos ako okay na un. i made this at pinaghirapan ko to. bahala na. ^_^
ayun, binabagalan ko ng konti kasi ni minsan ndi ko pa natry na isakto ung tugtog sa moves ko mismo. talagang nagpray ako na matyempuhan kong matapos un. Makikita nmn ung cycle dun. kaya lang i interpreted it on my own ways. basta kung anu maisip ko aun ang nilagay kong steps.
medyo nangangalahati na. la naman ako masyado problema. naaalala ko siya kasi ginawan ko ng kwento para ndi ko makalimutan every detail. Ginawa ko lang ung alam kong tama kahit palagay ko ndi sila masyado nanunuod haha. busy din yta magprepare. ayun... at nung medyo malapit na ung ending....
.
.
.
tyempuhan mo.. huhu...
sana lang.
still.
.
.
.
nung tumigil ako, saktong tumigil ung sounds.
whew..
ang galing antyempuhan ko.
'mam. tapos na po' sbi ko na parang ndi nahalata nung mga classmates ko. parang mga walang reaction eh. parang may dumaang hangin lang. haha.
pumunta na ko agad sa may upuan ko tpos tinanggal ung kung anu anung nakalagay sa buhok pati tenga ko. nangangati na ko. habng ginagawa ko un, as usual ngttnong ung prof namin sa mga comments.
'you can see d fluidity'
'mkikita mo tlga ung cycle'
ewan ko pa yung iba kasi di ko na pinapansin kasi okay na skin mkpgperform haha.
parang ngsasalita na lang sila para may masabi. pero nung ngdead air...
'what style did she use?'
isip isip.. medyo tpos n ko mag ayos. walang ngsasalita. nagddescribe describe ung prof namin kung anu daw style ginamit ko. ung may variation of ganyan churva. may sinabi siyang malalim na term eh. fluc something style.
di ko naman masyado narinig. inulit pa nya tpos sabi nya.
'what is the fluc(something) style?'
walang sumasagot.sabay sabay tumingin sken ung classmates ko nanawiwirduhan. tpos ako ung tinanong nya
'what style did you use?'
nagtataka naman ako. anung akala nya saken performer? wala akong alam sa theatre haha....
'ha?'
sinasabi nya pa rin na kung anu daw ung ginamit ko.
'ha? i just interpreted it in my own ways ma'am.'
'was it intentional?'
'no mam.'
'where did you get those steps?' sabay na medyo tumawa. tpos medyo mrmi siyang tanong, san ko daw nakuha, sino nagturo?
sbi ko. ako lang po gumawa nyan mam. makulit din xa eh. tpos inexplain nya kung anu ung ginawa ko. mron pala nun sa theatre.
'you can see different culture something something...' ewan nosebleed na ko sa kanya.
wla lang natutuwa lang ako kase sakin siya may pinakamahabang comment at may explain pa siyang nalalaman. samantalang sa iba after nung comments ng classmates namin, next na agad.
first experience hindi naman pala masama. ndi naman naokray ung costume or props na ginamit ko kung meron man...
hahaha.. afterall, achieving pa rin sa side ko. i didn't expect na unintentionally may naimbento akong sariling steps na parang pang performer na pala hahahaah...
ha
ha
ha
ayun lang.. ^_^
monologue and more plays to go...
whew...
anu kaya score ko? haha
bahala na
hehehe,. ayos huh,. congrats hehehe,,
ReplyDeleteuhmmm invite mo kami pag may palabas kyo huh hehehe,,.
actress na siya,. hehehe,,
labshoo,.
hehehe,. lam ko na kung bakit tinitingnan ka nila hehehe,.,.
ReplyDelete